Narito ang mga nangungunang balita ngayong May 26, 2025

- Ilang motorista, may agam-agam sa muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy; MMDA, tiniyak na masusing pag-aaralan ang violations

- Mahigit 1,000 pulis, ipinakalat bilang dagdag-seguridad sa Metro Manila | Paglilinis sa hanay ng mga pulis, hakbang kontra-katiwalian ng PNP | DILG, makikipag-ugnayan sa ICC para sa oath-taking ni FPRRD bilang mayor-elect ng Davao City | DILG Sec. Remulla: Vice Mayor-elect Sebastian Duterte, uupong Davao City Mayor kung hindi makakapanumpa si FPRRD

- PBBM, igigiit ang karapatan at hurisdiksiyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa 46th ASEAN Summit | ASEAN, nais magkaroon ng iisang tinig kaugnay ng bagong polisiya ng Amerika ukol sa taripa | ASEAN, makikipagpulong din sa Gulf Cooperation Council o mga bansang nag-su-supply ng langis | China, makikipagpulong sa ASEAN at GCC para sa kalakalan at ekonomiya | PBBM, magkakaroon ng mga bilateral meeting

- VP Duterte, bibiyahe pa-Qatar ngayong araw; makakasama ang Filipino community roon | VP Duterte, pupunta ulit sa The Hague para bisitahin ang amang si FPRRD na nakakulong sa ICC

- Ilang estudyante, napipilitang magbayad ng regular na pamasahe sa tuwing kinukuwestiyon ang kanilang pangangatawan | Ilang PUV drivers, iginiit na hindi sila naniningil ng doble sa mga plus size na pasahero | LTFRB: Laki at timbang ng pasahero, hindi dapat maging basehan ng kanilang pamasahe | LTFRB sa mga PUV driver at operator: May katapat na parusa ang mapapatunayang naningil nang doble sa mga plus size na pasahero | Mga pasaherong nakaranas ng diskriminasyon sa pampublikong transportasyon, hinihikayat na mag-report sa LTFRB

- (w/ back to live) Dating OWWA Administrator Arnell Ignacio, irereklamo ng DMW kaugnay sa maanomalya umanong P1.4B land deal | DMW Sec. Cacdac: Nakonsulta lang ang technical working group matapos mapirmahan ang deed of sale | DMW Sec. Cacdac: Ignacio, inilipat sa OWWA ang pagbabayad ng P36M na local transfer tax kahit exempted dito ang OWWA | Dating OWWA Administrator Arnell Ignacio, iginiit na dumaan sa tamang proseso ang pagbili ng P1.4B halaga ng lupa; itinangging kumita siya

- NFA sa mga trader: Huwag nang tawaran ang presyo ng ibinebentang palay ng mga magsasaka

- Final 4 para sa NCAA Season 100 Women's Volleyball, kompleto na

- "Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience," mapapanood sa mga sinehan sa Taiwan simula June 13

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.